Ilang essays tungkol sa paglaki sa Bikol, pagpasok sa mundo ng pagsusulat at pelikula, pangangarap, paglalayas, pagbabalik, pagtanggap sa buhay at sa mga kulang na silya.
“Yang hawak mong diploma, para 'yan sa iba, hindi para sa'yo.”
​
- Ricky Lee
FEEDBACKS
Dingdong Dantes
Television and Film actor, Director, Model
"Ang plano kong magbasa ng isang yugto bago matulog ay nauwi sa walang patid na araw na pagsubaybay sa buong akda.
Nakita ko ang aking sariling nakangiti habang nagbabasa. Tila may bagong nagpakilala sa akin sa isang kakaibang mundo—isang mundo ng paglalakbay, proseso, at pangarap. Yun bang pakiramdam na nakipag-inuman ka sa isang bagong kakilala at umuwi kang inspired at motivated.
Sa loob ng mga araw na iyon ay nakapasok ako sa daloy ng kanyang kamalayan. Nakilala ko nang lubusan si Ricky Lee. Ang paghanga at respeto ko sa kanya bilang manunulat ay lumawak dahil mas nakilala ko siya bilang isang tao."
Mac Alejandre
Film and Television Director
"Kulang na Silya is Ricky baring his Trip to Quiapo. It is his meditation, reflection, and desire to let people know that the journey of life is more meaningful when lived in the service of others."
Percival Intalan
Director, Producer, Writer
"Sa bawat anecdote na ikinukuwento niya, parang may similar anecdote ako. Either nangyari na sa akin yung nangyari sa kanya o may experience ako na katapat ng experience niya.
Effortless kay Ricky na pagtagpi-tagpiin ang samu’t saring karanasan para bumuo ng kwento na pakiramdam mo ay kuwento mo rin. Nakikita niya ang mundo for what it is and ang mga tao for who they are."