Book Launching
March 10, 2018 10 am Claro M. Recto Hall, 6th Floor, South Wing, PUP Main Bldg
Organized by:
PUP Institute for Culture and Language Studies and
the PUP-Communication Management Office.
​
One sad night something horrible happens to Marta, and it propels every character in the story, related to Marta or not, to go through a journey of retribution and redemption, in a society where voices are stifled, a house is forced to speak, and a mute young boy finds his voice.
“Bahay ni Marta” is a heart-gripping tale of love, transgression and redemption that could only come from one of the country’s master storytellers. Come and enter the world of “Bahay ni Marta”, where the seemingly whimsical meets layers of truths deftly and deeply woven. With its brilliant alchemy of fantastical scenarios and relatable emotions, a reader can simply sigh in recognition and insight towards the last few pages.
"Ang kalungkutan ay kaligayahang nagtatago lang. Lilitaw din sa tamang panahon."
​
- Ricky Lee
VIDEOS
RJ Nuevas
Creative Head, GMA Network Movie and TV Scriptwriter
Si Ricky Lee, ang galing-galing gumawa ng kuwento na ang bida ay babae. Kuhang-kuha niya ang kababawan at kalaliman ng isang babae. Mula sa iniisip hanggang sa nararamdaman ng isang babae, naitatawid iyon ni Ricky sa mambabasa o sa manonood. Mula kay Elsa ng Himala hanggang kay Marilou ng Relasyon. Maging sa nobela, gano’n din. Kahit nga manananggal, gets ni Ricky ang emosyon. Kaya itong huli niyang libro, inaabangan ko dahil sasali na naman ito sa koleksyon ko ng mga obra ni Ricky.
Lav Diaz
​
Award-winning Filmmaker
“Unang basa ko pa lang, alam ko nang obra maestra ang “Bahay ni Marta”.
Jun Robles Lana
​
Award-winning Filmmaker
Palanca Hall of Fame Awardee
"Mataas ang respeto ko sa mga puta dahil kay Ricky. Walang katulad ang mga puta niya. Matatalino. Lumalaban. Kaabang-abang. Laging may dalang panganib at laging binabasag ang kumbensyon. Sa palagay ko, sa ganyang paraan ko rin pwedeng ilarawan ang pagsusulat ni Ricky. Kondisyon man ng puso o lipunan ang tinatalakay, parang laging sinisilaban ang puwet mo sa mga akda niya, hindi ka patatahimikin, dahil bawat salita, manunuot sa kalamnan mo, dadalhin mo, at kung bukas ang isip mo, may kapangyarihan din silang palayain ka sa de-kahon mong pagtingin sa mundo."
FEEDBACKS
Bienvenido Lumbera
National Artist for Literature
Laging kagila-gilalas kung magkuwento si Ricky. Kanyang-kanya lamang ang hapay ng naratibong hinuhubog ng kanyang imahinasyon. Halimbawa, sa "Bahay ni Marta" inihaharap tayo sa kuwentuhan ng isang matandang bahay at isang ulilang batang tabingi ang mukha. Aakalain mong nagbibiro ang kuwentista, at tayo ay inaanyayahan sa isang kakatwang drama, na wari'y komiks ang patutunguhan. Pero habang pumapalaot tayo sa mga uli-uli ng istorya ni Marta, Tomas, Badong at Joaquin, nakakaramdam tayo ng siklot at sikdo ng mga emosyon at pagtuklas na hindi natin nawari sa simula na hinahabi pala ng awtor. Sa mga kapanahong manunulat ni Ricky, ang pagsasalaysay ay karaniwang nakatuon sa mga pangyayari sa buhay na wari baga'y mga aktuwal na tao ang gumaganap. Sila ay hinubog ng naging kairalan noong Realismo na ang hangad maipadanas sa mambabasa ay ang latay mismo ng aktuwal na buhay, gaano man iyon kasaklap o kasarap. Nalampasan na ni Ricky ang ganoong pag-akda, at ito ang dahilan kung bakit ang mga tauhan at ang sinasabi ng kanyang mga kuwento ay patuloy na nakakaagapay sa kiliti at imbay ng mga kabataan sa bagong panahon.
Lourd De Veyra
Musician, Poet, Journalist and TV host
"A non-writing writer is a monster courting insanity," Franz Kafka once wrote to a friend. Which means, every new Ricky Lee book is a phosporescent assurance that he has not yet descended into madness. Sometimes the best artists are the most horrible human beings. But maybe it is exactly this prodigiousness that keeps him sane, kind, generous, and humble. A writer is someone who writes, period -- something easier said than done in a world rattling with petty digital distractions. Then again, a wise man once said that a writer is someone for whom writing is more difficult than it is for other people. Miraculous how Ricky Lee manages to make writing look so easy (Novels! In the age of 140-character attention span), and being a fine human being even more so. There is a quality to his stories that seem to fly on luminous little wings. This is not to simplify things (Kafka was a "writing-writer" who still felt miserable and wrote stories about cockroaches and other nightmares).
But just consider: Maybe if, like Ricky Lee, we all just sat down and wrote, we would be living in a world with fewer crazy assholes.